Available na Ngayon sa India ang Internet.org App

Noong nakaraang taon hinost ng Facebook ang unang Internet.org Summit sa New Delhi, India. Ang Summit, at ang mahalagang sinabi ni Mark Zuckerberg, ay naayos ang mga balakid sa kakayahang kumonekta sa internet at siniyasat ang maraming paraan para magbigay ng access sa internet sa mahigit isang bilyong tao sa India na hindi pa nakakonekta.

Ngayong araw na ito, ang Facebook at Reliance Communications ay ginagawang available ang internet sa milyun-milyong tao sa India sa pamamagitan ng paglulunsad ng Internet.org app at ng libre at pangunahing mga serbisyo. Ito ang unang pagkakataong magiging available sa rehiyon ang Internet.org.

Ang mga customer ng Reliance sa anim na estado ng India (Tamil Nadu, Maharashtra, Andhra Pradesh, Gujarat, Kerala, at Telangana) ay magkakaroon na ngayon ng access sa mahigit sa tatlong dosenang serbisyo na mula sa balita, kalusugan sa pagbubuntis, paglalakbay, mga trabaho sa lugar, sports, komunikasyon at impormasyong tungkol sa lokal na pamahalaan.

Kasama sa kumpletong listahan ng mga libreng serbisyo ang:

Aaj Tak – Magbasa ng balita sa Hindi

AccuWeather – Makakuha ng updated na impormasyon tungkol sa panahon

amarujala.com – Magbasa ng balita sa Hindi

AP Speaks – Makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan

Babajob – Maghanap ng mga trabaho

BabyCenter & MAMA – Malaman ang tungkol sa pagbubuntis at mga bata

BBC News – Magbasa ng balita mula sa buong mundo

Bing Search – Maghanap ng impormasyon

Daily Bhaskar – Magbasa ng lokal na balita

Dictionary.com – Maghanap ng mga kahulugan ng mga salita

ESPN Cricinfo – Makakuha ng mga update sa cricket

Facebook – Makipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya

Facts for Life – Maghanap ng impormasyon sa kalusugan at kalinisan

Girl Effect – Magbasa ng mga artikulo at tip para sa mga babae

HungamaPlay – Makinig sa musika

IBNLive – Magbasa ng balita

iLearn – Matuto mula sa Mga Babaeng Negosyante

India Today – Magbasa ng lokal na balita

Internet Basics – Matutunan ang tungkol sa pangunahing bagay tungkol sa Internet

Jagran – Magbasa ng lokal na balita

Jagran Josh – Matuto at makakuha ng impormasyon tungkol sa career

Maalai Malar – Magbasa ng balita sa Tamil

Malaria No More – Malaman ang tungkol sa malaria

manoramanews.com – Magbasa ng lokal na balita

Messenger – Magpadala ng mga mensahe sa mga kaibigan at pamilya

OLX – Bumili at magbenta ng mga produkto at serbisyo

Reliance Astrology – Basahin ang iyong horoscope

Reuters Market Lite – Makakuha ng impormasyon tungkol sa pagsasaka at pananim

Socialblood – Magparehistro para mag-donate ng dugo

Times of India – Magbasa ng balita

TimesJobs – Maghanap ng mga trabaho

Translator – Isalin ang mga salita at parirala

Wikipedia – Maghanap ng impormasyon

wikiHow – Maghanap ng impormasyon

Ang mga customer ng Reliance sa India ay nakaka-access sa mga serbisyong ito sa Internet.org Android app, sa www.internet.org, mula sa start screen ng Opera Mini mobile web browser, at gamit ang Android app UC Browser para sa Internet.org. Karamihan sa mga serbisyo ay magiging available sa Ingles, Hindi, Tamil, Telugo, Malayalam, Gujarati at Marathi.

Ito ay isang malaking hakbang tungo sa aming mga pagsusumikap na ikonekta ang lahat sa internet, at tulungan ang mga tao na ibahagi ang kanilang mga ideya at pagiging malikhain sa buong mundo. Patuloy naming pagagandahin ang karanasan at unti-unti itong ilalabas sa iba’t ibang panig ng mundo.

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP