Mga tampok mula sa Mahalagang Sinabi ni Mark sa Mobile World Congress

Ngayong araw na ito sa Barcelona, bumalik ang Nagtatag at CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg sa Mobile World Congress ng GSMA para simulan ang event sa pamamagitan ng isang impormal na pakikipag-usap sa mamamahayag na si Jessi Hempel.

Nagbigay si Mark ng update sa mga pagsusumikap ng Facebook para dalhin ang access sa internet sa dalawang-ikatlo ng mundo na hindi pa konektado, at sinamahan sa stage ng mga operator partner na sina Jon Fredrik Baksaas, Presidente at CEO ng Telenor, Christian De Faria, CEO ng Airtel Africa, at Mario Zanotti, SVP ng Mga Pagpapatakbo ng Millicom.

Mahigit sa 90% ng offline na populasyon sa daigdig ay nakatira sa mga mahirap na bansa at para sa nakaraang taon na nakipagtulungan ang Facebook sa mga mobile operator para paramihin ang bilang ng mga taong nakaka-access sa internet. Sa pamamagitan ng Internet.org app, mahigit sa 500 milyong tao sa anim na bansa ang nakaka-access na ngayon sa mga serbisyo para sa impormasyon sa kalusugan, trabaho at lokal na impormasyon nang walang mga singil sa data.

Bilang bahagi ng mga pagsubok na ito, nakita namin ang libre at pangunahing mga serbisyo na tumulong na mas maraming tao ang magkaroon ng access sa internet habang nagbubukas ng mga bagong oportunidad para sa mga operator.

Narito ang ilang mahalagang bagay mula sa aming mga pagsusumikap sa nakaraang taon:

— Halos 7 milyong tao ang gumamit ng mobile data para sa unang pagkakataon bilang isang direktang resulta ng amng mga pakikipagtulungan

— Sa mga bansa kung saan kami naglunsad ng Internet.org, ang bilang ng nakuhang mga bagong data customer para sa mga operator ay nadagdagan ng kahit 40%

— Ang bilang ng mag taong gumagamit ng data sa network ng Tigo sa Colombia ay nadagdagan ng 50%, at ang buwan-buwang benta ng smartphone ng Tigo ay lumaki nang 10 beses sa Tanzania simula ng paglulunsad ng Internet.org

— Sa Zambia, Kenya at Ghana, nakita ng Airtel ang bilang ng mga taong gumagamit ng data at nadagdagan ang paggamit ng data, at ang parehong aktibidad ng pagtawag at SMS ay lumaki sa buong Africa

Nasa ibaba ang ilang tampok mula sa mga sinabi ni Mark sa panahon ng talakayan:

Ang tungkulin ng Facebook sa pagkonekta ng mas maraming tao sa internet:

— “Makakatulong kami dahil ang Facebook ay isa sa pangunahing app na gustong gamitin ng mga tao, kaya nanghihikayat ito ng paggamit ng data at nangangahulugan na maaari kaming mabisang makipagtulungan sa mag operator upang mapabilis ang pag-unlad ng kanilang mga negosyo.”

Pakikipagtulungan sa mga operator:

— “Ang dahilan kung bakit kami nasa Barcelona ay dahil ang mga tao rito, na bahagi ng industriyang ito, ay ang mga nangunguna sa pamamahala sa pagkonekta ng lahat sa mundo at matagal na itong ginagawa nang ilang dekada na. Mayroong mahabang pamana at kasaysayan at diwa ng misyon sa industriya. At iyon ang dahilan kung bakit nagsusumikap ang lahat ng taong ito na ilatag ang fiber at bumuo ng mga tower para magawa talaga ito.”

Ang tagumpay ng Internet.org hanggang sa kasalukuyan:

— “Ang nakakabiglang feedback na naririnig namin mula sa aming mga partner ay na gumagana nito. Pinauunlad nito ang internet at pinalalago ang kanilang negosyo. Iyon ang dalawang bagay na itinakda namin para ipagawa sa mga partner at talagang nasasabik kami.”

Sa mga pagsusumikap ng Connectivity Lab ng Facebook para ikonekta ang karamihan nga malalayong lokasyon:

— “Inaayos namin ito. Kapag nagkaroon kami ng bagay na iyon, ang layunin ang bumuo ng parehong uri ng mga pakikipagtulungan na mayroon kami ngayon para bigyan ng higit pang mga gamit ang aming mga partner para mabisang maikonekta ang mas maraming tao sa abot-kayang halaga.”

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP