Bagong Mahalagang Pangyayari sa Sasakyang Panghimpapawid ng Connectivity Lab at Programa ng Mga Laser

aquila_line-jpeg

Mula kay Jay Parikh, VP ng Pandaigdigang Pag-iinhinyero at Imprastraktura

Simula nang inilunsad namin ang Internet.org, naging misyon naming maghanap ng mga paraan para magbigay ng kakayahang kumonekta sa internet para sa mahigit 4 na bilyong tao na wala pang access sa internet. Karamihan sa mga taong ito ay nakatira sa naaabot ng kahit 3G na wireless signal, at ang aming ginawa noong nakaraang taon kasama ng mga mobile operator sa 17 bansa ay nagbigay sa mahigit isang bilyong tao ng acess sa mga may kaugnayang pangunahing serbisyo. Ngunit 10 porsiyento ng populasyon ng mundo ang nakatira sa malalayong lugar na walang imprastraktura ng internet, at ang mga uri ng mga teknolohiya ng imprastraktura na ginagamit sa ibang lugar – tulad ng fiber-optic na cable, mga microwave repeater at mga cell tower – ay maaaring maging hamon sa abot-kayang paglalgay sa mga rehiyong ito.

Doon papasok ang Connectivity Lab. Ang aming layunin ay pabilisin ang pagbuo ng bagong pangkat ng mga teknolohiya na maaaring biglang magbago sa kondisyon ng paglalagay ng imprastraktura ng internet. Sinisiyasat namin ang maraming iba’t ibang pamamaraan para sa hamong ito, kasama ang sasakyang panghimpapawid, satellite at mga panlupang solusyon. Ang aming intesyon ay hindi para bumuo ng mga network at pagkatapos ay kami mismo ang magpatakbo sa mga ito, ngunit sa halip ay para pabilisin ang pagsulong ng kalagayan ng mga teknolohiyang ito hanggang sa lawak na maging praktikal na mga solusyon ang mga ito para sa mga operator at iba pang mga partner para gamitin.

Ngayong araw na ito inanunsyo ng aming Connectivity Lab ang dalawang pangunahing mahalagang pangyayari sa gawaing ito:

— Isang kumpletong bersyon ng Aquila – ang mataas, matibay na sasakyang panghimpapawid na idinisenyo ng aming team sa kalawakan sa UK – ay kumpleto na ngayon at handa nang subukang paliparin. Ang Aquilla ay mayroong pakpak na ang lawak ay 737 ngunit daan-daang beses na higit na magaan, salamat sa kakaibang disenyo nito at sa carbon-fiber na frame. Kapag pinalipad ito, magagawa nitong umikot sa malayong lugar nang hanggang 90 araw, na pababang nagbe-beam ng kakayahang kumonekta sa mga tao mula sa taas na 60,000 hanggang sa 90,000 talampakan.

— Ang aming laser communications team sa Woodland Hills, California, ay may bagong nagawang malaking pagganap. Nagdisenyo sila at sinubukan ang isang laser na ginawa sa lab na maaaring maghatid ng data sa 10s ng Gb bawat segundo – humigit-kumulang 10 beses na mas mabilis kaysa sa dating makabagong gawa sa industriya – papunta sa isang target na kasing laki ng singko sentimo mula sa mahigit 10 milya ang layo. Nagsisimula na kaming subukan ngayon ang mga laser na ito sa mga tunay na kondisyon. Kapag natapos na, magagamit ang aming laser na sistema ng komunikasyon para ikonekta ang aming sasakyang panghimpapawid sa isa’t isa at sa lupa, para gawing posibleng gumawa ng isang network sa himpapawid na maaaring umabot sa pinakamalayong mga lugar sa mundo.

Mahaba pa ang aming kailangang gawin para sa gawaing ito, ngunit nasasabik kami dahil sa maaga naming progreso. At gaya ng nagawa namin sa Open Compute Project, pinaplano naming sumali sa mas malawak na komunidad at ibahagi ang natutunan namin, para maging mas mabilis ang pag-usad nating lahat sa pagbuo ng mga teknolohiyang ito.

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP