Pagpapaganda sa Seguridad at Pagkapribado ng Free Basics

Ang imprastraktura ng internet sa maraming bahagi ng mundo ay hindi naka-set up para sa seguridad. Ang mga network ay mas pinaghihigpitan, ang mga device ay karaniwang mas luma, at ang mga makabagong protokol ng seguridad ay hindi talaga sinusuportahan minsan. Habang gumagawa kami ng mga solusyon para mas maraming tao ang magkaroon ng access sa internet, kailangan din naming isipin kung paano sila ligtas na ikokonekta. Sa Free Basics, ang Internet.org ay ginagawang mas madali para sa mga tao na kumonekta sa mga website at serbisyo na mahalag sa kanila sa pamamagitan ng pag-encrypt ng impormasyon saanman maaari. Halimbawa, kapag ginagamit moa ng Free Basics Android app, ang traffic ay naka-encrypt nang end-to-end para protektahan ang iyong pagkapribado maliban na lang kung pipiliin ng isang developer na suportahan lang ang HTTP para sa kanilang serbisyo. Katulad din nito, kapag in-access mo ang website ng Free Basics sa isang mobile browser, ginagamit namin ang isang “dalawang certificate” na model ng seguridad. Ang unang certificate ay ginagamit para sa naka-encrypt na traffic sa pagitan ng iyong device at ng aming mga server sa parehong direksiyon. Para sa mga serbisyong ibinibigay sa pamamagitan ng Free Basics na sinusuportahan ang HTTPS, gagamitin ang pangalawang certificate para sa naka-encrypt na traffic sa pagitan ng aming mga server at ng mga developer. Nagmamalasakit kami sa seguridad ng iyong impormasyon, kaya kahit na gumagana lang ang serbisyong ina-access mo sa HTTP, saanman maaari i-e-encrypt namin ang impormasyong iyon sa pagitan ng aming mga server at ng anumang device na sinusuportahan ang HTTPS. Ang pagbabagong ito ay nagbibigay ng makabuluhang dagdag na seguridad kaysa sa mayroon ngayon, lalo na para sa mga taong maaaring hindi ganap na pinagkakatiwalaan ang kanilang koneksyon sa internet. Kapag ginagamit mo ang Free Basics mobile website, pansamantalang naka-encrypt ang impormasyon sa aming mga ligtas na server para matiyak ang wastong paggana ng mga serbisyo na ginagamit mo at tulungan kang iwasan ang anumang hindi inaasahang mga singil. Pinapanatili namin ang pagkapribado ng impormasyong iyon habang naka-encrypt ito sa pamamagitan lang ng pag-store sa pangalan ng domain ng serbisyo na binibisita mo at ang dami ng data na ginamit—ang parehong impormasyon na makikita gamit ang end-to-end na pag-encrypt—gayundin ang mga cookie na naka-store sa isang naka-encrypt at hindi mabasang format. Naniniwala kami na ang mga pag-upgrade na ito sa aming seguridad at mga kasanayan sa pagkapribado para sa Free Basics ay ginagawang mas lgitas at mas magandang mapipili ang Internet.org para sa mga taong nagkakaroon ng access sa internet. Maaari mong basahin ang aming Pagkapribado sa Free Basics na page para alamin pa. free-basics-security-1 I-click para palakihin ang larawan. free-basics-security-2 I-click para palakihin ang larawan.

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP