Update sa Libre at Pangunahing Mga Serbisyo ng Internet.org

Simula sa araw na ito, mahigit sa isang bilyong tao na mayroong access sa libre at pangunahing mga serbisyo ng Internet.org sa buong Asya, Africa at Latin America ay maagawa na ngayong ma-access ang mas maraming libreng serbisyo sa pamamaigitan ng Free Basics Platform. Noong Mayo ipinakilala namin ang Platform bilang isang paraan para madaling makagawa ng mga serbisyo ang mga developer na isasama sa Internet.org, at isang paraan apra bigyan ng higit pang pagpipilian at kontrol ang mga tao sa mga serbisyong ina-access nila. Simula sa araw na ito, live na ngayon ang Platform.

Sa nakalipas na ilang buwan, inakma ng mga developer ang kanilang mga serbisyo na partikular para sa mga kinakailangan ng Free Basics Platform, at ngayon, mahigit sa 60 bagong serbisyo ang mayroon sa 19 na bansa kung saan available ang libre at pangunahing mga serbisyo. Hindi lang nito pinalalawak ang hanay ng mga mapagkukunan sa makukuha ng mga tao, binibigyan nito sila ng higit pang pagpipilian at kontrol sa mga serbisyong ginagamit nila sa app at website.

Gumagawa ng epekto sa mga buhay ng tao ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng impormasyon sa kalusugan, edukasyon at ekonomiya. Halimabwa, ang SmartBusiness, isang website na tumutulong sa mga taong matutong maglunsad at magpatakbo ng isang negosyo, ay nakikita ngayon ang mahigit sa 5 beses na paghahnap araw-araw sa kanilang serbisyo simula nang paglulunsad sa South Africa nitong Hulyo, na nangangahulugang mas maraming tao ang nakakakuha ng access sa mahalagang impormasyon na tungkol sa ekonomiko. Ang BabyCenter at MAMA ay parehong naabot ang milyun-milyong tao sa buong mundo sa pamamagitan ng mahalagang impormasyon sa kalusugan para sa pagbubuntis at pagiging magulang, kasama ang 3.4 milyong tao sa pamamagitan lang ng Free Basics.

Simula sa araw na ito, ang mga taong gumagamit ng app o mobile web na bersyon ay maaaring mag-navigate sa isang menu kung saan maaari silang pumili kung aling mga serbisyo ang idadagdag sa kanilang listahan ng mga libreng serbisyo. Maaari rin silang maghanap ng serbisyo sa pamamagitan ng pangalan o paglalarawan.

india-meradoctor

Pagtuon sa seguridad at pagkapribado

Sa Free Basics, ang Internet.org ay ginagawang mas ligtas para sa mga tao na kumonekta sa mga website at serbisyo na mahalaga sa kanila sa pamamagitan ng pag-encrypt sa impormasyon saanman maaari. Ilang buwan na ang nakalipas, inanunsyo namin ang suporta para sa mga serbisyong gumagamit ng HTTPS sa Free Basics Android app, at ngayong araw na ito, nadaragdag kami ng suporta para sa mga serbisyo ng HTTPs sa web na bersyon din. At kahit na gumagana lang ang serbisyo na ina-access mo sa HTTP, ini-encrypt namin ang impormasyong iyon sa pagitan ng aming mga server at anumang device na sinusuportahan ang HTTPS. Basahin pa ang tungkol sa aming pagtuon sa seguridad at pagkapribado para sa Free Basics dito.

Free Basics ng Facebook

Ngayong araw na ito inaanunsyo rin namin ang bagong pangalan para sa app at website sa cellphone — ang Free Basics ng Facebook. Ginagawa namin ang pagbabagong ito para mas makilala mabuti ang inisiyatiba ng Internet.org mula sa mga programa at mga serbisyo na ibinibigay namin kasama ang Free Basics. Ang sinumang gumagamit ng app ay magagawang ipagpatuloy ang paggamit ng Android app, bagaman tatawagin na ito ngayong Free Basics ng Facebook sa Google Play. At ang mobile web na bersyon, na manggagaling mula sa dating URL, ay maaaring ma-access sa FreeBasics.com.

Mga developer na bumubuo para sa Platform

Kung ikaw ay isang developer na interesado sa pagsusumit ng iyong serbisyo para maging bahagi ng Internet.org Platform, maaari mong malaman pa ang tungkol sa aming developer page rito. Nililinaw din namin ang mga alituntunin para sa mga developer na bumubuo para sa Platform para gawing mas simple ang mga ito pagkatapos malaman ang feedback — makikita mo ang in-update na mga alituntunin dito.

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP