Pag-aanunsyo sa Mga Nanalo sa Internet.org Innovation Challenge sa India

Ang Internet.org Innovation Challenge sa India ay sinusuportahan ang aming mithiing isang konektadong mundo sa pamamagitan ng pagkilala sa mga tao na nagsusumikap na gawing mas may kaugnayan ang internet sa mga babae, estudyante, magsasaka at mga migranteng manggagawa sa India. Ang aming layunin ay hikayatin ang pagbuo ng mga app, website at mga online na serbisyo na nagbibigay ng tunay na halaga para sa mga miyembro ng mga mahalagang komunidad na ito.

Sa India, 18 porsiyento lang ng populasyon ang mayroong access sa internet. Para mabigyan ng access sa internet ang isang bilyong tao sa India, ang internet ay kailangang maging naa-access, abot-kaya at, higit sa lahat, kailangan nating tulungan ang mga tao na maintindihan ang mga posibilidad na makukuha nila online. Ang bawat pagsusumite na natanggap namin ay mayroong bahagi sa paggawa ng isang konektadong India at nasasabik kaming ianunsyo ang 12 nanalo sa apat na kategoryang: Mga Magsasaka, Mga Migrante, Mga Estudyante at Mga Babae.

Ibinibigay namin ang apat na $250,000 USD premyo para sa Innovation Challenge Award: isa sa nangungunang app, website, serbisyo o ideya na pinakamahusay na tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat isa sa mga itinalagang kategorya ng populasyon, at dalawang $25,000 USD premyo para sa Impact Award na ibinigay sa bawat kategorya. Ang mga nanalo ay:

Mga Magsasaka

Nanalo ng Innovation Challenge Award: eKutir, nagbibigay ng mga tool at mapagkukunan sa mga magsasaka para suportahan sila sa buong proseso ng pagsasaka, mula sa pagpili ng pananim hanggang sa proseso ng pag-aalaga at pagbebenta. Binibigyang-kapangyarihan ng serbisyo ang mga magsasaka at komunidad sa pamamagitan ng pagbabago sa magkakahiwalay na sistema sa isang nagtutuluungan at konektadong nakabahaging model.

Nanalo ng Impact Award: Farmily, binibigyang-daan ang mga magsasaka na maabot ang mga bagong bibili at makipag-ayos tungkol sa mas magandang mga presyo para sa agrikultural na produkto. Pagbawas ng pamamagitan ng tagapamagitan sa interface ng magsasaka at bumibili.

Nanalo ng Impact Award: Farmalytics, nilalayong gawing madali at abot-kaya ang Wastong Pagsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng makabagong teknolohiya ng art sensor sa pamamagitan ng matibay na Analitika para tulungan ang mga magsasaka na gumawa ng mga desisyon batay sa data tulad ng iba pang negosyo sa ika-21 siglo.

Mga Babae

Nanalo ng Innovation Challenge Award: mySangham, nagbibigay ng bokasyonal na pagsasanay at pagbuo ng kakayahang nakatuon sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga babae sa 100 inisyal na natukoy na mga nayon at komunidad. Nilalayon ng serbisyo na palakasin ang ekonomiya at katatagan ng lipunan ng nasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga taon sa India sa pamamagitan ng bokasyonal na mga kakayahan sa isang mabilis, abot-kaya at naiaakmang paraan sa pamamagitan ng isang online na platform.

Nanalo ng Impact Award: Embrace Angel, kinokontrol ang kapangyarihan ng mobile, internet, sensor at mga teknolohiya ng malaking data para matugunan ang pangangailangan para sa pangangalaga bago manganak sa probinsiya (anats 2/3 ng mga market), kung saan binibigyang-daan ng isang app ang mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan at medikal na ipaabot ang kanilang suporta mula sa isang pangunahing pangkat ng maraming mapagkukunan hanggang sa malalayong lugar.

Nanalo ng Impact Award: Rang de Habba, isang eStorefront para sa mga etnikong produkto, na nakatuon sa pagsuporta sa mga lokal na babaeng may kakayahan sa sining. Ang layunin ay dagdagan din ang pagpapanatili ng halaga sa mga taong may kakayahan sa sining na sinasamantala ng higit pang mga komersyal na brand at platform, na sikat sa market.

Mga Estudyante

Nanalo ng Innovation Challenge Award: BodhaGuru, gumagawa ng mga produkto para matuto ang sarili, malalim at kumpletong mga app sa cellphone para matuto, mga video at isang platform para sa paglalathala ng libro para gawing nakaka-interesado, may kaugnayan at abot-kaya ang pag-aaral mula KG hanggang ika-8 baitang. Nakatuon sa pagbuo ng malikhaing pag-iisip sa mga bata sa pamamagitan ng pagkukuwento.

Nanalo ng Impact Award: Fundamentor, gumagamit ng mga pamamaraan ng laro at teknolohiya (gamification) para bumuo at magbigay ng mga kayayahan sa buhay para sa mga batang nasa ikatlo at ikasiyam na baitang. Nakatuon ang serbisyo sa analitikal, berbal, pangangatwiran at kritikal na pag-iisip na mga kakayahan.

Nanalo ng Impact Award: LetsIntern, nagbibigay sa mga estuydanteng mula sa antas 2-3 mga lungsod ng mga oportunidad para maging intern sa pamamagitan ng pagkonekta sa kanila sa maliit hanggang sa katamtamang laki ng mga negosyo sa pamamagitan ng isang online portal.

Mga Migrante

Nanalo ng Innovation Challenge Award: Helper4U, isang online na database ng mga trabaho na nagtutugma sa mga migranteng mayroong bahagyang kakayahan sa mga partikular na kategorya sa mga posibleng employer. Nakatuon sa pagtalakay sa malaking pangangailangan para gumawa ng pagiging malinaw at madaling maintindihan, at tulungan ang mga migranteng manggagawa na maghanap ng mga trabaho sa pamamagitan ng pag-alis sa tagapamagitan na kumukuha ng malaking bahagi ng kanilang sahod bilang komisyon.

Nanalo ng Impact Award: Mygram, binibigyang-kapagyarihan ang mga migrante sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang makakuha ng isang digital na pagkakakilanlan. Ang serbisyo ng email sa SMS ay tina-target ang mga user na bago sa internet. Kapag may nagpadala sa iyo ng isang email, makakatanggap ka ng isang SMS na may kasamang link sa mail na iyon. Ang kanilang email address ay @mygram.in

Nanalo ng Impact Award: mHS City Labs, nagbibigay ng online na lalagyan ng mga mapagkukunan at teknikal mga tool para sa mga migranteng kabilang sa konstruksiyon na mababa ang halaga at maaaring kulang sa gabay sa pangunahing kahusayan sa pag-iinhinyero. Ang layunin ang pahusayin kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng mga tutorial para ituro ang dapat gawin.


Ang hurado ng hamon ay sina:

  • Arun Bansal, SVP at Pinuno ng Radio, Ericsson
  • Chris Daniels, VP, Internet.org/Facebook
  • Ameet Suri, Manager ng Mga Pagtutulungan, Internet.org/Facebook
  • Raj Talluri, SVP ng Namamahla sa Produkto, Qualcomm

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP