Mga tampok mula sa Internet.org sa AfriaCom

Ngayong linggo si Ime Archibong, direktor ng mga ugnayan sa produkto, at si Markku Makelainen, direktor ng pandaigdigang ugnayan ng operator sa daigdig, ay naging sentro ng atensyon sa AfricaCom sa Cape Town. Tinalakay nila kung paano nilalayon ng Free Basics na ikonekta ang bilyun-bilyong tao sa internet sa pamamagitan ng paglutas sa mga balakid sa pagiging abot-kaya at kalawan ng kamalayan, lalo na sa Africa kung saan unang inilunsad ang Free Basics noong nakaraang taon.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa mga tao sa Free Basics, ang aming layunin ay mas maraming tao ang magkaroon ng access sa internet at tulungan silang matuklasan ang halaga ng internet — at gumagana ito. Ang Free Basics ay nasa 30 bansa na ngayon na may 34 na operator. Sa pamamagitan ng aming mga pagsusumikap para sa kakayahang kumonekta, nagawa naming bigyan ng access sa internet ang mahigit sa 15 milyong tao, ipinakilala sila sa halaga ng internet. At mayroon kaming daan-daang mga serbisyong available sa Free Basics Platform sa buong daigdig na nagdudulot ng interes sa mga lokal na serbisyo ng developer.

Nagsusumikap kaming unti-unting ilabas ang Free Basics sa mas maraming bansa sa mga darating na buwan, at nagkaroon ng dalawang mahalagang anunsyo ngayong linggo tungkol sa progreso sa buong kontinente ng Africa:

Ipinakilala ang Praekelt Foundation Incubator para sa Free Basics

Noong Lunes, inanunsyo namin ang Praekelt Foundation Incubator para sa Free Basics, na idinisenyo para pabilisin ang epekto at pagdami ng daan-daang organisasyon ng panlipunang pagbabago. Nakikipagtulungan kami sa Praekelt para mamuhunan sa incubator na programang ito na magsisimulang tumulong sa hanggang 100 organisasyon ng panlipunang pagabago na binuo para sa Free Basics. Ang paglahok ay magbibigay ng mga tool at serbisyo sa mga kumpanya na kailangan nila para maabot ang mga taong ngayon lang nagkaroon ng koneksyon sa internet.

Maaari mong basahin pa ang tungkol sa incubator mula sa Praekelt Foundation dito at ang mga developer na interesadong magparehistro para sa incubater ay maaaring pumunta rito.

Paglawak ng Free Basics sa lahat ng Aritel market sa Africa

At noong Martes, inanunsyo ng Airtel Africa ang pakikipagtulungan nito sa Facebook kung saan makikita ang paglunsad ng Free Basics sa lahat ng 17 bansa kung saan ito pinapatakbo sa Africa. Magsisimulang ilunsad ng Airtel ang Free Basics sa Airtel Nigeria, DRC, Gabon at Niger, kasunod ng iba pang mga African market nito. Simula noong 2014, nadala na nila ang Free Basics sa Zambia, Kenya, Malawi, Ghana, Seychelles at Rwanda.

Sinabi ni Christian de Faria, MD at CEO ng Airtel Africa na, “Sa pinakamalawak na 3G network ng Africa, ang Airtel ang nangunguna sa pagbabago ng data sa Africa. Batid namin ang kapangyarihan ng internet sa pagbabago ng mga buhay sa mga komunidad at ang pakikipagtulungan na ito sa Facebook ay tutulong sa pagdadala sa mas maraming tao sa internet at babawasan ang pagkakahati ng mayroong access at walang access sa internet.”

Maaari mong basahin pa ang tungkol sa buong anunsyo mula sa Airtel Africa dito.

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP