Ipinakikilala ang Mga Bagong Tool para sa Mga Developer ng Free Basics

F8

Ngayong araw na ito sa F8, iaanunsyo namin ang dalawang bagong tool para sa mga developer ng Free Basics. Inilunsad namin ang Free Basics Platform noong Setyembre sa sinumang developer na ang serbisyo ay nakakatugon sa mga pangunahing pamantayan sa paglahok at sa teknikal na aspeto, at ngayon mayroon kaming mahigit sa 500 serbisyo na available sa buong mundo. Ang mga developer na bumubuo para sa Free Basics Platform ay gumaganap ng mahalagang tungkulin sa pagbuo ng mga karanasan ng mga tao kapag nag-o-online sila sa pamamagitan ng Free Basics.

Free Basics Simulator

Dahil ino-optimize ang Free Basics para sa pagba-browse sa mga mas lumang device at sa may limitadong bandwidth, kailangang iakma ng mga developer ang kanilang mga serbisyo para magsagawa sa ilalim ng mga paghihigpit na ito. Ngayon, maaari nang gamitin ng mga developer ang Free Basics Simulator para maaga at madalas nilang subukan ang kanilang mga website, na mas magpapadali sa pagsusumite at gagawin itong mas mabisa. Ang sinumang developer ay maaaring i-access at gamitin ang Free Basics Simulator sa website ng Free Basics Platform. Umaasa kami na ang Free Basics Simulator ay magsisilbi bilang isang kapaki-pakinabang na mapagkukunan para sa mga developer na gustong tandaan ang mga paghihigpit sa hardware at network habang bumubuo sila para sa susunod na bilyong mga tao na makakapag-online. image

Mga Impormasyong Pang-demograpiko para sa Mga Developer

Inilulunsad din namin ang Mga Impormasyong Pang-demograpiko para sa mga developer para mas maintindihan nila mabuti ang mga uri ng mga tao na gumagamit ng kanilang mga serbisyo sa Free Basics. Simula sa araw na ito, maaaring pumunta ang mga developer ng Free Basics sa Content Partner Portal at makita ang mga distribusyon ayon sa hanay ng edad at kasarian ng mga taong gumagamit ng kanilang mga serbisyo, parehong pangkalahatan at ayon sa lebel ng bansa. Walang pagkakakilanlan ang impormasyong ito at pinagsama-sama, at tutulungan ang mga developer na bumuo ng mas magandang mga karanasan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang mas magandang pakiramdam na kung sino ang kanilang audience. Maaaring gamitin ng mga developer ang impormasyong pang-demograpiko ng kanilang mga user sa Free Basics sa mga bansa para iakma ang kanilang nilalaman para sa mga may kaugnayang populasyon. Halimbawa, maaaring malaman ng mga developer na ang karamihan ng mga taong gumagamit ng kanilang serbisyo sa isang partikular na bansa ay mga babae, o na ang karamihan ay nasa pagitan ng 25-34 na taong gulang. Sa ganitong pag-unawa ng kanilang mga user, maaaring iakma ng mga developer ang nilalaman at karanasan sa produkto ng kanilang serbisyo ng Free Basics nang naaalinsunod. image (1) Nakatuon kami sa pagbibigay ng mga tool para sa mga developer na bumubuo para sa Free Basics Platform. Nakipagtulungan kami sa Ericsson para ilunsad ang Internet.org Innovation Lab, na tumutulong sa mga developer na maintindihan kung paano gumagana ang kanilang mga app sa iba’t ibang panig ng mundo. Noong Marso, inanunsyo namin ang Augmented Traffic Control, isang open source technology na gumagaya sa mga kondisyon ng network. At nakipagtulungan kami sa mga organisasyong tulad ng Praekelt Foundation at NASCOMM para magbigay ng suporta at mga mapagkukunan sa mga developer habang binubuo nila ang kanilang mga serbisyo para sa Free Basics. Ang Free Basics Simulator at Demographic Insights ay ang pinakabagong mga tool sa suite ng mga mapagkukunan na ito para sa mga developer na gustong bumuo para sa susunod na pangkat ng mga taong mag-o-online.

Higit pang mga post

Facebook © 2017 Powered by WordPress.com VIP