Connectivity Lab

Connectivity Lab

Ang Connectivity Lab sa Facebook ay bumubuo ng mga paraan para gawing abot-kaya ang access sa internet hangga’t maaari sa mga komunidad sa buong mundo. Sinisiyasat ng team ang iba’t ibang teknolohiya, kasama ang mga eroplano, satellite at laser na lumilipad nang mataas at tumatagal.

Aquila na Sasakyang Panghimpapawid na Hindi Kinokontrol ng Tao

Lumilipad sa taas na 60,000 ft., ang Aquila na sasakyang panghimpapawid na hindi kinokontrol ng tao ay gumagamit ng ibang pamamaraan para ikonekta ang mundo. Ang disenyo nitong walang buntot at malawak na pakpak ay pinahihintulutan itong lumutang nang walang hirap, habang ang mga solar cell at napakahusay na motor nito ay pinahihintulutan itong manatili nang ilang buwan, at naghahatid ng internet sa ilang pinakamalalayong lugar sa mundo.

Pagkonekta sa pamamagitan ng Mga Laser

Ang saklaw ng Aquila ay nagtulak sa aming maghanap ng mga bagong paraan para maghatid ng high-speed internet. Kaya bumalik kami sa isa sa mga unang paraan na ginamit ng mga tao para maghatid ng data—ang ilaw. Ang hindi nakikitang infrared na mga laser beam na kumikislap nang ilang bilyong beses bawat segundo ay nagagawa na ngayong magpadala ng data sa fiber-optic na bilis gamit ang napakakaunting power. Gamit ang laser na teknolohiya, nagagawa naming ikonekta at ibigay ang internet sa buong konstelasyon ng sasakyang panghimpapawid na Aquila.

Mga Bagong Hamon

Ang ilan sa mga nangungunang engineer sa kalawakan sa mundo ay nagsusumikap na hamunin ang bawat pagpapalagay sa kung paano hinahatid ang internet. Paghahanap ng carbon na mas magaan sa aluminum at 3 beses na mas matibay kaysa sa bakal. Paggawa ng mga laser na napaka-wasto, na matatamaan nito ang singko sentimo mula sa 12 milya ang layo. At pagtanggap sa pagbabago sa halos 200° na temperatura.