Free Basics Platform

Abutin ang susunod na pangkat ng mga taong makakapag-internet.

Sumali sa Free Basics Platform sa pamamagitan ng pagdaragdag sa iyong app, website o serbisyo sa Free Basics, na nagbibigay sa mga tao ng libreng access sa hanay ng mga pangunahing serbisyo sa mga market kung saan maaaring hindi gaanong abot-kaya ang access sa internet.

Idagdag ang iyong website sa Free Basics para:

  • Paramihin ang iyong audience sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang access sa iyong serbisyo.
  • Sukatin ang iyong epekto sa lipunan.
  • Itatag ang iyong brand nang maaga sa mabilis na umuunlad na mga mobile market.

Magsumite sa Free Basics Platform

Bukas na Platform

Ang Free Basics ay isang bukas na platform. Maaaring idagdag ng sinuman ang kanilang website sa Free Basics Platform basta’t sumusunod sila sa aming mga alituntunin sa paglahok, na umiiral para i-optimize ang pagganap sa mas lumang mga telepono at mas mabagal na mga koneksyon sa internet.

Alamin ang tungkol sa aming Mga Alituntunin sa Paglahok

Mga Developer

Abutin ang mga user na bago sa internet sa buong Africa, Asya at Latin America at gumawa ng epekto sa lipunan sa pamamagitan ng pag-akma ng iyong mobile app at website para sa Free Basics platform.

Dokumentasyon

Magsimula

Mga Non-profit na Organisasyon

Kung ikaw ay isang non-profit na organisasyon o NGO na mayroong mga kapaki-pakinabang na mga serbisyo o impormasyon para sa mga user na bago sa internet, mayroong mga mapagkukunan na makakatulong sa iyong bumuo o iakma ang iyong website para sa Free Basics.

Alamin pa

Mga Pamahalaan

Nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa iyong mga mamamayan sa pamamagitan ng Free Basics.

Kontakin kami

Mga Kuwento ng Tagumpay

SmartBusiness, isang website sa South Africa na tumutulong sa mga taong maglunsad at magpatakbo ng mga negosyo, ay tumatanggap ng 5 beses na dami ng paghahanap araw-araw simula nang sumali ito sa Free Basics Platform.

Maya, isang website na sumusuporta sa kalusugan ng mga babae, ay nakikita ang 71 porsiyento ng kanilang traffic mula sa Free Basics. Nakakatanggap ang Maya ng 18 beses na dami ng mga pagtatanong araw-araw simula nang ilunsad ang Free Basics.

1doc3, isang digital platform na mula sa Colombia na tumutulong sa mga tunay na doktor na sagutin ang mga medikal na tanong, ay nakakita ng 21 porsiyento ng kabuuang traffic na nagawa mula sa Free Basics. Ang Free Basics ay pinahintulutan din ang kumpanyang maabot ang 4 na bagong market.

BabyCenter ay naabot ang 5.5 milyong tao sa pamamagitan ng mahalagang impormasyon sa kalusugan para sa pagbubuntis at pagiging magulang sa pamamagitan lang ng Free Basics.

Sumali sa Free Basics Platform

Kontakin Kami